Hindi na ako mageenglish kasi feel na feel ko yung ibblog ko ngayon e. Okay, so nanonood ako ngayon ng Secret Garden. Episode 2 pa lang pero... grabe talaga, kinikilig na ako. Siguro umaasa na lang ako sa rom-com na series para maalala ko yung feelings ko dati. Alam mo yun? Yung magpupuyat ka dahil katext mo sya, excited ka palaging umuwi dahil susunduin ka nya, naghihintay na mag-online sya, blah blah.
Ang sarap balikan ang mga panahong yun. Fourth year pa kasi yung huling beses na naramdaman ko yun. Fourth year hs. E ngayon, incoming second year na ako sa college. Mahigit isang taon na rin ang nakalipas. Matagal tagal rin noong huling may nanligaw sa akin. Ang saya saya ko talaga nun. At mas masaya ako dahil sya yun. Natuto ako ng tamang pagmamahal, yung totoong pagmamahal.
Ngayon naman sa Secret Garden, kinikilig ako kay HyunBin. Hindi dahil sa gwapo sya, kundi dahil sa mga ginagawa nya. Ewan ko ba. Yung mga ginagawa nya kasi dun, nakakainlove. Okay, korni na kung korni, pero totoo naman e.
Tapos may naalala na naman ako... Sabi na nga ba, pakilig kilig ako rito, tapos sa huli may mamimiss pala ako. </3
No comments:
Post a Comment